Wastong gamit ng May at Mayroon

Gamit ng "May"

1. Kapag sinusundan ng pangngalang pambalana (followed by a common noun)

Halimbawa ng Pangngalang Pambalana:

-bata, simbahan, doktor, lapis

Halimbawang pangungusap

  • May matandang namamalimos sa parke.
  • May daga sa ilalim ng kama. 

2. Kapag sinusundan ng pang-uri(adjective)

Halimabawa ng pang-uri. 

Maganda, maputi, isa, dalawa

Example:

  • May isang matandang naghihintay sa labas ng simbahan.
  •  May makapal na libro sa mesa ng aming guro.

3. Kapag sinusundan ng pandiwa(verb)

Example:

  • May sumasayaw na mga bata sa entablado
  • May tumatahol na aso sa bahay ni Mrs Wayne. 

4. Kapag sinusundan ng pantukoy na "mga"

Example:

  • May mga prutas sa basket
  • May mga bata na naliligo sa ulan


Gamit ng Mayroon

1. Kapag sinusundan ng Ingklitik o Paningit

Ano ang Inglitik o Paningit?

  • Ang Ingklitik o paningit ay maiikling salita o kataga na nagdaragdag ng kahulugan sa pangungusap.

Halimbawa ng Inglitik: Daw, din, lang, man, muna, na, nga, pa, sana, yata

Halimabawang pangungusap:

  • Mayroon ba s'yang baon?
  •  Mayroon ngang paparating na bagyo.
  • Mayroon palang proyekto sa asignaturang Filipino.

2. Ginagamit kapag sinusundan ng Panghalip na panao.

Panghalip Panao-inihahalili o pamalit sa ngalan ng tao

Halimabawa: ako, siya, sila, kayo, kami

Example:

  • Mayroon siyang lagnat
  • Mayroon akong sasabihin sa'yo

Post a Comment

0 Comments